435am
ano ka ba?
hindi ka ba talaga makakaramdam?
kasi naman no... isang araw ka ng hindi nagtetext sakin... huh! as if you care... as if i have the right to be with you.... friend mo lang ako.... ano ka ba?
bakaa naman mali ang tanong... ano ba ko? why do i keep on longing for you... why do i keep on hoping na one day we can be together kahit na one day lang... alang ibang kasamaa.. ikaw lang at ako... alang ibang iniisip... alang ibang worries sa buhay... isang araw lang ang hinihingi ko... kahit after nun hindi mo na maalala ang pangalan ko... kahit pagkatapos nung araw na yun hindi mo na ako pansinin... kahit pagkatapos ng araw na yun ... burahin mo na agad ako sa alaala mo... hindi ko pagsisisihan ang araw na yun..
kahit na pagkatapos ng araw na yun hindi na kita makita... tama na sakin ang isang arawa na yun...
madalas nga kitang mapagmasdan pero hindi mo naman ako nakikita...
madalas nga kitang nakakausap pero hindi mo ako naririnig...
madalas kitang makasama pero hindi mo ako nararamdaman..
akala mo ba masaya ako?
akala mo ba natutuwa ako?
minsan masayaa ako kasi kahit na mga panakaw na sandali ay meron ako... kahit na mga sandaling hindi mo alam ay inaangkin kita....
pero sa likod ng mga tawa at kasiyahan na nakikita mo sakin sa bawat araw na magkasama tayo ay isang mukhang punong puno ng luha... luha na dumadaloy dahil sa isang pusong nasasaktan at naghihintay ng iyong pansin...
tama na nga
nagpapakatanga na ko dito...
oi tutubi.... tulog mo na yan.....

0 Comments:
Post a Comment
<< Home